Ang Ningning at Ang Liwanag
(Mula sa Liwanag
at Dilim)
ni Emilio Jacinto
Ang
ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan
ng mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.
Ang bubog
kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit
sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.
Ang
ningning ay maraya.
Ating hanapin
ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.
Sa
katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong
matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan.
Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang
isang sukaban.
Nagdaraan
ang isang maralita na nagkakanghihirap
sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.
Saan kaya
ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa
hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.
Ay! Sa
ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at
ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalong na nga ang
mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang
ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng
bayan na nagbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Tayo’y
mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo
ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung
ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang
magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin
pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa
maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang
kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas
ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay
hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.
Ang
mahabang panahong lumipas ay isang labis
na nagpapatunay ng katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!
Ay! Ang
Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap
at binatang mga kaapihan?
- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998
Hahahaha
TumugonBurahinas a baguio person, nakakainggit talaga yung mga kayang magsulat ng parang ganito. ;-;
TumugonBurahinAng haba...kailangan ko pang kopyahin...
TumugonBurahinnapakaganda ng ibig sabihin. sobrang lalim bagaman maraming matutuhan.
TumugonBurahin☺
Burahinmaganda
TumugonBurahini like fortnite so i dont care about this story
TumugonBurahinSa tingin mo may pake kami sa fortnite fortnite mo? Kung wala kang pake dito edi bat ka nandito agaw pansin lang?
BurahinAng bastos mo naman dapat mo itong respetuhin...
BurahinDahil ito ay sulat ni Emilio Jacinto
BurahinGrabe ka naman may magagawa bayang fortnite mo as future mo?wla diba..
Burahinbat mo sinearch? kulang ka lang sa pansim
Burahinha burned
Burahinpake namin sa fortnite mo mukha kang bayag
Burahinthe fact that there's these people who get so butt hurt about a single comment that literally owes nothing to their lives whatsoever. it would be nice to keep in mind that a person not caring about a specific thing another person feels otherwise about does not merit being a shithead to them. I'm not siding with anyone here, i do think yall have wasted your time on a kid when you're possibly here to finish your grade 9 essay or smthn. When you don't give a shit, then don't. it's that easy and i don't see anything difficult in the process ??? why do you have to sprinkle some hate in the comments ?? literally doesn't make you any better than anyone here.
Burahindon't take this comment like its the same level as the others above, i'm just pointing out the bullshittery i wish we should all avoid next time :>
bata
Burahini like the wrote of Mr. Emilio Jacinto this is so perfect bagamat malalim ang mga salita ngunit madaming matutuhan
TumugonBurahinwrong grammar day
Burahinbasta liwanag ang kabutihan at ang ningning ay kasamaan. #BASIC
TumugonBurahinthankyou
Burahinhindi ko nasabtan ang stury kay wa ko kasabot
TumugonBurahingagu kasi aqoh
TumugonBurahinReaksiyon tungkol sa ningning at liwanag
TumugonBurahinparang don't judge the book by its cover...
TumugonBurahinSa aking pagsusuri, eto ang politiko noong panahon ng kastila. Dito sinabi ni emilio jacinto kung paano nagningning ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang magarang suot, kayamanan, na ultimo’y anghel na pagkatao. Dito sinabi rin nya kung paano sila pinaningnining ng mga pilipino sa pamamagitan ng kanilang pustura at mataas na pagtingin sa mga ganong klaseng tao. Hindi na nila nasusuri ang tunay na anyo dahil ang kanilang mga mata’y bulag na silaw ng isang ningning. Na sa kabila ng kanilang pagningning, sila pa mismo ang mga taong gumagawa ng pighati, pananakit sa atin. Ito parin ay maihahalintulad sa kasulukuyan, bagama’t ang ganitong uri ng ningning ay ang pagkinang gamit ng kapangyarihan at mataas na posisyon. At magpasa hanggang ngayon, ito parin ang naging ugali ng mga pilipino, ang masilaw sa ningning o di kaya’y tumingin na lamang sa panlabas na anyong malinis.
TumugonBurahinWohh its so bobo
TumugonBurahinNaka buod na po ba to?
TumugonBurahinAng masasabi KO lang ay ano ang mensaheng pinarating saatin ng kwento??
TumugonBurahinStarla...
TumugonBurahinButi naka search ako dito ng project ko maraming salamat
TumugonBurahinAng haba
TumugonBurahinTamad ako mag basa jok
TumugonBurahinTamad ako mag NASA d jk lng
TumugonBurahinshaks im here cuz of my module shitz hahaha
TumugonBurahinJujjjjjj
TumugonBurahintayoy yy masaya at malakas
TumugonBurahinGusto ko lang naman matapos natong aktibidad namin sa linggong ito, bakit napapatagalog ako ng todong-todo? Shocks! Ang lalim ng mga salita ni Ginoong Emilio Jacinto!
TumugonBurahin