Martes, Mayo 26, 2015

ANG TUSONG KATIWALA

Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.  2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, ‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang  aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, ‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang  langis po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala. 7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

  9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10)  Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.  15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

153 komento:

  1. ano po ba ang elemento ng kwentong ito????????

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. malalaman nyo po yan sa pamamagitan ng inyong puso :) :like:

      Burahin
    2. ELEMENTO NG PARABULA: Tauhan -
      Mga karakter na hango sa bibliya na maaaring makapagbigay ng aral sa mga mambabasa ng kwento.
      Tagpuan -
      Hindi kagaya sa maikling kwento, minsan hindi matatagpuan sa simula ang tagpuan ng kwento at minsan ay hindi talaga nasasabi kung saan mismo nangyari ang kwento.
      Aral

      na umaakay sa tao sa matwid na landas
      Banghay

      pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento


      Burahin
    3. Paano po maiuugnay ang pangyari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan?

      Burahin
    4. Ang dalawang panginoon na sinasabi rito ay ang Diyos samantalang Ang isang diyos na tinutukoy rito ay ang ang sanlinutan na ating ginagalawan kaya ang sabi ng Panginoon hindi pwede magkaroon ng dalawang diyos sapagkat Ang mas pipiliin ng tao ay ang panangalawa Kung saan sya nagiging masaya.

      Burahin
    5. Mag aral ka Ng mabuti at wag Kang mag cheat๐Ÿ˜‰

      Burahin
    6. Ano ang katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal sa paksang “ang tusong katiwala”

      Burahin
    7. Ano ang katotohanan sa kwentong tusong katiwala

      Burahin
    8. bwhahahahahaha anong stan twice

      Burahin
    9. bwhahahahaha charot stan nyo twice mga mhie:))

      Burahin
  2. ano po ba ang elemento ng kwentong ito????????

    TumugonBurahin
  3. ang tanong po samen ng teacher ko, BAKIT TAKOT MAWALAN NG TRABAHO ANG KATIWALA? ano po bang dapat kong isagot?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Para sa akin, takot siyang mawalan ng trabaho dahil hindi sya sanay na magtrabaho yung tipong hindi niya alam mamuhay ng mag-isa o hindi niya kayang mabuhay ng mag-isa.

      Burahin
    2. Ayaw nia kasing maghirap,Ayaw niang magpalimos sa kalye ayaw nia mag bungakal ng lupa kung kayat takot siyang mawalan ng trabaho

      Burahin
    3. Ayaw nia kasing maghirap,Ayaw niang magpalimos sa kalye ayaw nia mag bungakal ng lupa kung kayat takot siyang mawalan ng trabaho

      Burahin
    4. Ano po sagot sa kakanyahan salamat

      Burahin
    5. Natatakot siya mawalan ng trabaho dahil ayaw niya na magbungkal na lupa at nakakahiya rin kapag nanglilimos sya

      Burahin
    6. Dahil wala s'yang ibang kayang gawing trabaho kundi ang maging katiwala lamang at kahit pagbubungkal ng lupa ay hindi s'ya marunong.

      Burahin
    7. Dahil wala silang ipapakain sa kabit nila

      Burahin
  4. ang sagot andrea para sa akin ay sapagkat takot syang magbungkal ng lupa at nahihiya syang magpalimos masyado syang ma pride na tao

    TumugonBurahin
  5. Mga Tugon
    1. Hi. Sa tingin ko po ang moral lesson dito ay wag kang magtitiwala ng buong buo kase pag ang tiwala nasira,mahirap ng ibalik.AT,, hwag mahumaling sa kayamanan kase ang kayamanan nauubos yan.Hindi mo madadala sa kabilang buhay ang kayamanan. Saka dapat maging tapat tayo hindi lang sa ibang tao kundi pati na rin sa sarili mo. Kase sa sarili mo talaga nagsisimula ang lahat.

      Burahin
    2. Hi. Sa tingin ko po ang moral lesson dito ay wag kang magtitiwala ng buong buo kase pag ang tiwala nasira,mahirap ng ibalik.AT,, hwag mahumaling sa kayamanan kase ang kayamanan nauubos yan.Hindi mo madadala sa kabilang buhay ang kayamanan. Saka dapat maging tapat tayo hindi lang sa ibang tao kundi pati na rin sa sarili mo. Kase sa sarili mo talaga nagsisimula ang lahat.

      Burahin
    3. Ang parabula ang galing o buhat sa salitang griyego na parabole na nangangahulugang pahtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.

      Burahin
  6. anong suliranin ang kinakaharap ng katiwala?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang suliraning kinahaharap ng katiwala ay ang pagpapanggap niyang matuwid sa harap ng tao at nakalimutan niyang nandiyan ang Diyos na alam ang nilalaman ng kanyang puso. Ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos dahil dumaan ito sa maling proseso.

      Burahin
  7. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  8. Anong pictures po ba ang maaari kong ilagay sa photo essay tungkol sa Ang tusong katiwala?

    TumugonBurahin
  9. sino ba talaga ang may-akda ng kuwentong ito?

    TumugonBurahin
  10. ano poang ibig sabihin na nakalagay sa ika 4

    TumugonBurahin
  11. ano po ang tala salitaan ng ang tusong katiwala

    TumugonBurahin
  12. ano po ang suliraning kinakaharap ng katiwala??

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang suliraning kinahaharap ng katiwala ay ang pagpapanggap niyang matuwid sa harap ng tao at nakalimutan niyang nandiyan ang Diyos na alam ang nilalaman ng kanyang puso. Ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos dahil dumaan ito sa maling proseso.

      Burahin
  13. Anu ang iyong natutunan sa Ang tusong katiwala ?

    TumugonBurahin
  14. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  15. Puede patuolong ang question kung ikaw ay naging amo tapos nalaman nyo na winaldas ang iyong ari arian ano ang gagawin mo

    TumugonBurahin
  16. Puede patuolong ang question kung ikaw ay naging amo tapos nalaman nyo na winaldas ang iyong ari arian ano ang gagawin mo

    TumugonBurahin
  17. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang amo

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa tingin ko paraan niya yonpara tanggapin siya sakaling paalisin siya ng amo niya

      Burahin
  18. pano naging matalino ang katiwala kung ang ginawa nya lang ay palitan ang mga numero sa kasulatan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kinulangan niya ang utang ng nakautang sa amo niya. Sakali mang mawalan ng trabaho ang tusong katiwala ay inisip niya na may kukupkop sa kanya.

      Burahin
  19. kailangan ko ng patunay na pwedeng ihalintulad ang tusong katiwala sa tunay na buhay o karanasan

    TumugonBurahin
  20. Medyo nalilito po ako, bakit niya pinatawag ang mga may utang sa kanyang amo at binawasan ang mga utang nila?
    Dahil ba na iniisip niya kapag ginawa niya ito tatanggapin siya bilang kasambahay kapag pinatalsik na siya ng amo niya

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hindi po. ginawaniya po yun para maptunayan niya sa amo niya na hindi niya nilulustay yung pera nito, para kahit tanggalin man siya ng kanyang amo ay malinis ang record niya na hindi niya nilustay ang pera nito.

      Burahin
  21. Tanong ko po sana po sumagot kayo paano hinabi ng may-akda ang mga tauhan?

    TumugonBurahin
  22. Bakit tusong katiwala and ipinangalan sa akda

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dahil siya ay naging tuso o matalino sa kanyang sariling paraan

      Burahin
  23. iugnay ang ang mga pangyayari sa parabula sa kasalukuyan

    TumugonBurahin
  24. Ano ang kagandahang look sa kweto

    TumugonBurahin
  25. Kami nga broshure ipinagagawa sa ang tusong katiwala
    Hahahaha
    Skl

    TumugonBurahin
  26. Ano po ang kauna-unahang parabula sa Syria at Kuwait. Salamat.

    TumugonBurahin
  27. ayon po sa akda paano o gagamitin ang kayamanan...please anwer

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Paabo po ba umabot sa gantong kalagayan yung katiwala answer plss

      Burahin
  28. Paano po umabot sa gantong kalagayan yung katiwala

    TumugonBurahin
  29. Paano po ba umabot sa gantong kalagayan yung kariwala? Sagit plss

    TumugonBurahin
  30. Hello po. Ano ano po ang mga kulturang syrian na masasalamin sa teksong ito? (Lima po)

    TumugonBurahin
  31. Ano ani po ung mga kulturang syrian na masasalamin natin sa tusong katiwala? Pasagot nmn po huhuhuhu (5 examples po)

    TumugonBurahin
  32. Ano ang nais patunayan ng katiwala nang bawasan niya ang utang ng mga taong may obligasyon sa kaniyang amo

    TumugonBurahin
  33. Paano mo maiuugnay Ang pangyayari sa parabula sa mga pangyayari sa kasalukuyan?

    TumugonBurahin
  34. ano po bang magandang asal ang makikita dito?

    TumugonBurahin
  35. Ano ang suliraning kinakaharap ng katiwala sa akda?

    TumugonBurahin
  36. ano anong mga salita ang maaring gawan ko ng talasalitaan para sa report namin?

    TumugonBurahin
  37. Paano nakaapekto sa inyo bilang kabataan at mag aaral sa akda

    TumugonBurahin
  38. pano ho maiihalintulad ito sa kasalukuyan?

    TumugonBurahin
  39. Masasalamin po ba ito sa ugali at kultura ng mga taga syria? Diko po kse alam ugali at kultura nila pls pasagot

    TumugonBurahin
  40. Ano ang ibig sabihin ng verse 13 to 15

    TumugonBurahin
  41. Gamitin ninyo ang kayamanan sa mundong ito sa paggawa ng mabuti sa using kapwa upang kung maubos man iyon ay tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan

    Ipaliwanag ang pangaral na ito

    TumugonBurahin
  42. sa tingin ko ay pinatunayan na lang na wala siyang masamang intensyon, binawasan nya ang utang nito dahil naawa siya at gusto nya itong tulongan.
    Ewan ko kung tama ba sagot ko

    TumugonBurahin
  43. sa tingin ko ay pinatunayan na lang na wala siyang masamang intensyon, binawasan nya ang utang nito dahil naawa siya at gusto nya itong tulongan.
    Ewan ko kung tama ba sagot ko

    TumugonBurahin
  44. Aling bahagi poba ang nagpapakita ng katotohanan, kabutihan at kagandahang asal?

    TumugonBurahin
  45. Ano ang dahilan kung bakit binabaan ng katiwala ang buwis sa mga taong nagkautang sa kanyang amo

    TumugonBurahin
  46. Ano po estilo ng pagkasulat nga akda at mga kaisipang taglay nito

    TumugonBurahin
  47. Ano po ba ang sanggunian ng tusong katiwala?

    TumugonBurahin
  48. Bakit nilulustay ng katiwala ang ari-arian ng amo? [Respect comment๐Ÿ˜Ÿ]

    TumugonBurahin
  49. ano ang nais patunayan ng katiwala ng bawasan nya ang utang ng nga taong may obligasyon sa kaniyang amo

    TumugonBurahin

  50. walang malilito kung nagbasa kayo.salamat

    TumugonBurahin
  51. Kailan nangyari ang binasang akda?sagutin nyo po

    TumugonBurahin
  52. Ano Ang pangyayar sa karanasan ng kwentong ito

    TumugonBurahin
  53. Ano po yung pangyayari sa parabula ng kwento

    TumugonBurahin
  54. Ano ang mahalagang kaisipan sa kwento?

    TumugonBurahin
  55. Ano ang mahalagang kaisipan sa kwento?

    TumugonBurahin
  56. Pwede nyu po bang ilarawan and kqtiwala at ang amo?

    TumugonBurahin
  57. Para sa akin, takot siyang mawalan ng trabaho dahil hindi sya sanay na magtrabaho yung tipong hindi niya alam mamuhay ng mag-isa o hindi niya kayang mabuhay ng mag-isa

    TumugonBurahin
  58. Saan nais ihambing ni hesus ang taong mayaman, tusong katiwala, ari arian, tahanang walang hanggan at dalawang panginoon

    TumugonBurahin
  59. Kung ikaw ay bibigyan ng pag kakataon baguhin Ang wakas ng parabula na Ang tuksong katiwala ano ang magiging wakas neto???


    Sana po masagot

    TumugonBurahin
  60. Hahhahhaj nga bono kayo๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†๐Ÿ˜†

    TumugonBurahin
  61. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon mabigyan ng Pagbabago sa parabula paano mo eto mababago? At ano ang wakas neto?

    TumugonBurahin
  62. ano Ang pagdaragdag at pag iisa Isa NG mga impormasyon o pangyayari

    TumugonBurahin
  63. Binanggit sa parabula ang taong
    mayaman, tusong katiwala, ari arian,
    tahanang walang hanggan at dalawang.
    panginoon. Sa iyong palagay,
    saan nais ihambing ni
    Hesus ang bawat isa?

    Binanggit sa parabula



    Nais paghambingan at patungkulan

    TumugonBurahin
  64. Binanggit sa parabula ang taong
    mayaman, tusong katiwala, ari arian,
    tahanang walang hanggan at dalawang.
    panginoon. Sa iyong palagay,
    saan nais ihambing ni
    Hesus ang bawat isa?

    Binanggit sa parabula



    Nais paghambingan at patungkulan

    TumugonBurahin
  65. Taena ang hirap intindihin ng kwento, kulang kulang yung words. Ano kami manghuhula?

    TumugonBurahin
  66. Ano ang ginawa ng katiwala matapos mabatid na siya ay tatanggalin na ng kanyang
    amo?

    TumugonBurahin
  67. Ano po ba ang tatlong kagandahan asal sa parabulang ito?

    TumugonBurahin
  68. suggest ko lang pwedi kasing ang kagandahang asal na ipinakita dito ay una:
    pagiging tuso-pagkat inisip niyang mabuti ano ang gagawin na tama
    pagbibigay-pagkat sa pamamagitan ng pagbabawas ng utang na labis ikinatuwa ng kanyang amo
    pagtitiwala-dahil pano ka maniniwala rito kung kahit tiwala pinagdadamot mo

    SUGGEST LANG PO

    TumugonBurahin