Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles
ni Edith Hamilton
Isinalin sa
Filipino ni Vilma C. Ambat
Noong unang
panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Ang pinakamaganda
sa tatlo ang bunsong si Psyche. Labis
siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus,
ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin
ng kalalakihan na magbigay ng alay at
magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging
marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal.
Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si
Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring
maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid at
hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang
kagandahan ng dalaga. Tila ba napana niya ang kaniyang sariling puso.
Nang makauwi
si Cupid, inilihim niya sa kaniyang ina ang nangyari. Labis namang nagtitiwala
si Venus at hindi na rin nito inusisa ang anak. Nanabik ang diyosa ng
kagandahan sa kahihinatnan ng buhay ni Psyche.
Gayunman,
hindi naganap ang inaasahan ni Venus. Hindi umibig si Psyche sa isang
nakatatakot na nilalang o kahit kanino. Ang isa pang nakapagtataka ay walang umiibig
sa kaniya. Kontento nang pagmasdan at sambahin siya ng mga lalaki subalit hindi
ang ibigin siya. Ang kaniyang dalawang kapatid na malayo ang hitsura sa taglay niyang
kagandahan ay nakapag-asawa na ng hari at namumuhay nang masaya sa kani-kaniyang
palasyo. Naging malungkot si Psyche sa kaniyang pag-iisa. Tila walang nais
magmahal sa kaniya.
Nabahala
ang magulang ni Psyche. Naglakbay ang haring ama ni Psyche upang humingi ng tulong kay Apollo. Hiniling
niyang payuhan siya ni Apollo kung paano makahahanap ng mabuting lalaking iibig sa kaniyang
anak. Lingid sa kaalaman ng hari naunang humingi ng tulong si Cupid kay Apollo. Sinabi niya ang kaniyang sitwasyon at nagmakaawang
tulungan siya. Kaya sinabi ni Apollo sa hari na makapangangasawa si
Psyche ng isang nakakatakot na nilalang. Pinayuhan niya ang hari na bihisan ng pamburol si
Psyche, dalhin siya sa tuktok ng bundok at iwan nang mag-isa. Doon ay susunduin siya ng kaniyang
mapapangasawa na isang halimaw, isang ahas na may pakpak.
Labis na
kalumbayan ang baon ng hari sa kaniyang pagbabalik sa palasyo subalit agad pa
rin siyang tumalima sa payo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng
pinakamaganda niyang damit. Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari
ang anak na parang ihahatid sa kaniyang
libingan papunta sa tuktok ng bundok. Habang naglalakbay sila, nagluluksa ang
lahat sa maaaring mangyari kay Psyche. Sa kabila naman ng mabigat na sitwasyon,
buong tapang na hinarap ng dalaga ang kaniyang kapalaran. “Dapat noon pa ay
iniyakan na ninyo ako. Ang taglay kong kagandahan ang sanhi ng panibugho ng
langit,” sumbat niya sa kaniyang ama. Pagkatapos nito ay pinaalis na ni Psyche
ang kaniyang mga kasama at sinabing masaya niyang haharapin ang kaniyang
katapusan.
Naghintay
si Psyche habang unti-unting nilalamon ng dilim ang buong bundok. Takot na
takot siya sapagkat hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kaniya. Patuloy
siyang tumatangis at nanginginig sa takot hanggang sa dumating ang malambing na
ihip ng hangin ni Zephyr. Inilipad siya nito at inilapag sa isang damuhang
parang na kasinlambot ng kama at pinahalimuyak ng mababangong bulaklak.
Napakapayapa ng lugar na tila nawala ang lahat ng kaniyang kalungkutan.
Nakatulog siya sa kapayapaan ng gabi. Nang magising si Psyche sa tabi ng ilog,
natanaw niya sa pampang nito ang isang mansiyon na parang ipinatayo para sa mga
diyos. Nagmasid-masid siya at labis ang kaniyang pagkamangha sa kagandahan
nito. Yari sa pilak at ginto ang mga haligi, at ang sahig ay napalamutian ng
mga hiyas. Nag-aalinlangan niyang buksan ang pinto subalit may tinig na
nangusap sa kaniya. “Pumasok ka, para sa iyo ang mansiyong ito. Maligo ka,
magbihis, at ihahanda namin ang piging para sa iyo. Kami ang iyong mga alipin,”
wika ng mga tinig.
Nalibang si
Psyche sa mansiyon, kumain siya ng masasarap na pagkain. Buong araw siyang
inaliw ng mga musika ng lira at ng mga awitin ng koro na hindi niya nakikita.
Maliban sa mga tinig na kaniyang mga kasama, nag-iisa siya sa mansiyon. Subalit
sa hindi maipaliwanag na dahilan, batid niyang sa pagsapit ng gabi ay darating
ang kaniyang mapapangasawa. Lumipas ang maghapon nang hindi niya namamalayan.
Pagsapit ng gabi nangyari nga ang inaasahan niya. Naramdaman niya ang pagdating
ng lalaki. Tulad ng mga tinig hindi niya ito nakikita. Bumulong ang lalaki sa
kaniyang tainga. Nang marinig niya ang tinig ng lalaki, nawala ang lahat ng
takot na kaniyang nararamdaman. Sa kaniyang paniniwala, hindi halimaw ang
lalaki kundi isang mangingibig at asawang matagal na niyang hinihintay.
Isang gabi
ay kinausap siya nang masinsinan ng lalaki. Binalaan siyang may panganib na
darating sa pamamagitan ng dalawa niyang kapatid. “Darating ang iyong mga
kapatid upang magluksa sa lugar kung saan ka nila iniwan,” wika ng asawa. “Subalit
huwag na huwag kang magpapakita sa kanila sapagkat magbubunga ito ng matinding
kalungkutan sa akin at kasiraan sa iyo,” habilin ng lalaki. Nangako naman si Psyche
na tatalima sa kagustuhan ng asawa.
Kinabukasan,
narinig ni Psyche ang panangis ng kaniyang mga kapatid. Labis na naantig ang kaniyang damdamin sa kanilang
pagluluksa. Nais niyang ibsan ang kanilang kalungkutan at patahanin sila sa pag-iyak. Hanggang sa
maging siya ay umiiyak na rin. Kinagabihan ay inabutan pa siya ng kaniyang
asawa na umiiyak. Sinabi ng lalaki na maaari na niyang makita ang kaniyang mga
kapatid subalit mahigpit pa rin ang kaniyang babala. “Sige gawin mo ang iyong
nais subalit parang hinahanap mo ang sarili mong
kapahamakan,” wika ng lalaki. Pinayuhan siya nang masinsinan na huwag siyang pabubuyo
kaninuman na subuking sulyapan ang mukha ng lalaki. Kung mangyayari ito,
magdurusa si Psyche sa pagkakawalay sa kaniya. “Nanaisin kong mamatay nang
isandaang beses kaysa mabuhay nang wala ka sa aking piling. Pagbigyan mo lang
ang kaligayahan kong muling makapiling ang aking mga kapatid,” buong
pagmamakaawang hiling ni Psyche. Malungkot na sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan,
inihatid ng ihip ng hangin ni Zephyr ang
dalawang kapatid ni Psyche. Hindi magkamayaw sa iyakan at yakapan ang magkakapatid.
Walang mapagsidlan ang nag-uumapaw nilang kaligayahan. Nang pumasok na sila sa mansiyon
labis na pagkamangha ang naramdaman ng magkapatid. Sila ay nakatira sa palasyo
subalit walang kasingganda ang mansiyon na ito. Nag-usisa sila kung sino ang napangasawa
ni Psyche. Tulad ng kaniyang ipinangako inilihim ni Psyche ang tunay na
pagkatao ng asawa. Nang matapos na ang pagdalaw ng kaniyang mga kapatid,
dumakot si Psyche ng mga ginto at hiyas upang ibigay sa kaniyang mga kapatid.
Ipinahatid niyang muli ang mga kapatid kay Zephyr. Labis na pangingimbulo ang
naramdaman ng mga ate ni Psyche sa kaniya. Ang kanilang kayamanan ay hindi maihahambing
sa kayamanang kanilang nakita sa tahanan ni Psyche. Binalot nang labis na
inggit ang kanilang puso na humantong sa
pagpaplano nila ng ikapapahamak ng kanilang bunsong kapatid.
Noong gabi
ring iyon, muling kinausap ng lalaki si
Psyche. Nagmakaawa siyang huwag na muling patuluyin sa kanilang tahanan
ang kaniyang mga kapatid. “Tandaan mong hindi mo na ako makikitang muli kapag
binali mo ang iyong pangako,” masidhing paalala ng kaniyang asawa. “Bawal na
kitang makita, pati ba naman ang mga mahal kong kapatid?” pagmamaktol na sumbat
ni Pysche. Muling pinagbigyan ng lalaki ang asawa na makita ang kaniyang mga
kapatid.
Kinabukasan,
muling dumalaw ang dalawang kapatid na may nabuo nang malagim na balak sa
kanilang bunsong kapatid. Nag-usisa sila nang nag-usisa hanggang malito na si
Psyche sa kaniyang mga pagsisinungaling. Napilitan siyang sabihin ang katotohanang
bawal niyang makita ang mukha ng kaniyang asawa at hindi niya alam ang anyo
nito. Ikinumpisal ng magkapatid na alam na nila noon pa
na ang asawa ni Psyche ay
isang halimaw batay sa sinabi ng orakulo ni Apollo.
Nagsisisi
sila kung bakit nila ito inilihim kay Psyche. Binuyo nila si Psyche na dapat na
niyang malaman ang katotohanan bago mahuli ang lahat. Mabait lamang daw ang
kaniyang asawa ngayon subalit darating ang araw na siya ay kakainin nito.Takot ang
nangibabaw sa puso ni Psyche sa halip na pagmamahal. Ngayon lamang niya napagtagni-tagni
ang katanungan sa kaniyang isip. Kaya pala pinagbabawalan siyang makita ang
hitsura ng kaniyang asawa sapagkat halimaw ito. At kung hindi man ito halimaw,
bakit ito hindi nagpapakita sa liwanag? Magkahalong takot at pagkalito ang naramdaman
ni Psyche. Humingi siya ng payo sa kaniyang kapatid. Isinagawa na ng nakatatandang
mga kapatid ang masama nilang balak. Pinayuhan nila si Psyche na magtago ng
punyal at lampara sa kaniyang silid. Kapag natutulog na ang kaniyang asawa
sindihan niya ang lampara at buong tapang niyang itarak ang punyal sa dibdib ng
asawa. Humingi lamang daw si Psyche ng tulong at nasa di kalayuan lamang ang dalawa.
Kapag napatay na ni Psyche ang asawa sasamahan siya ng kaniyang mga kapatid sa
pagtakas. Iniwan nila si Psyche na litong-lito. Mahal na mahal niya ang kaniyang
asawa subalit paano kung halimaw nga ito? Nabuo ang isang desisyon sa kaniya.
Kailangan niyang makita ang hitsura ng kaniyang asawa.
Sa wakas,
nang mahimbing nang natutulog ang lalaki, patiyad na naglakad si Psyche patungo
sa pinaglagyan niya ng punyal at lampara. Kinuha niya ang mga ito. Sinindihan
niya ang lampara. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang asawa. Laking ginhawa
at kaligayahan ang nag-uumapaw sa kaniyang puso nang masilayan niya sa unang
pagkakataon ang hitsura ng kaniyang asawa. Hindi halimaw ang kaniyang nakita
kundi pinakaguwapong nilalang sa mundo. Nang madapuan ng liwanag ang kagandahan
ng lalaki ay tila ba mas lalong tumingkad ang liwanag ng lampara. Sa labis na
kahihiyan at kawalan ng pagtitiwala, lumuhod siya at binalak na saksakin ang
sarili. Nang akma na niyang itatarak ang punyal sa kaniyang dibdib, nanginig ang
kaniyang kamay, at nahulog ang punyal. Ang panginginig ng kaniyang kamay ay
kapwa nagligtas at nagtaksil sa kaniya. Sa pagnanais niyang pagmasdan pa ang kaguwapuhan
ng kaniyang asawa, inilapit niya ang lampara at natuluan ng mainit na langis
ang balikat nito. Nagising ang lalaki at natuklasan ang kaniyang pagtataksil. Lumisan
ang lalaki nang hindi nagsasalita.
Sinundan ni
Psyche ang asawa subalit paglabas niya, hindi na niya nakita ang lalaki.
Narinig na lamang niya ang tinig ng asawa. Ipinaliwanag nito kung sino
siyang talaga. “ Hindi mabubuhay ang
pag-ibig kung walang tiwala,” wika niya bago tuluyang lumipad papalayo. “Si
Cupid, ang diyos ng pag-ibig!” ang naisip ni Psyche. “ Siya ang asawa ko. Ako
na isang hamak lamang ay hindi tumupad sa aking pangako sa kaniya.
Mawawala na
nga ba siya sa akin nang tuluyan?” wika niya sa kaniyang sarili. Inipon niya
ang lahat ng nalalabi niyang lakas at nagwikang “Ibubuhos ko ang bawat patak ng
aking buhay upang hanapin siya. Kung wala na siyang natitirang pagmamahal sa akin,
maipakikita ko sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.” At sinimulan ni Psyche ang
kaniyang paglalakbay.
Sa kabilang
banda, umuwi si Cupid sa kaniyang ina upang pagalingin ang kaniyang sugat.
Isinalaysay niya sa kaniyang ina ang nangyari. Nagpupuyos sa galit si Venus at
lalong sumidhi ang pagseselos niya kay Psyche. Iniwan niya si Cupid nang hindi
man lang tinulungang gamutin ang sugat nito. Determinado si Venus na ipakita kay
Psyche kung paano magalit ang isang diyosa kapag hindi nasiyahan sa isang mortal.
Patuloy na
naglakbay si Psyche at pinipilit na makuha ang panig ng mga diyos. Siya ay
palagiang nag-aalay ng marubdob na panalangin sa mga diyos subalit wala sa kanila
ang nais maging kaaway si Venus. Nararamdaman ni Psyche na wala siyang pag-asa
sa lupa o sa langit man. Kaya minabuti niyang magtungo sa kaharian ni Venus at
ialay ang kaniyang sarili na maging isang alipin. Sa ganitong paraan ay umaasa
siyang lalambot din ang puso ni Venus at huhupa rin ang kaniyang galit. Nagbabakasakali rin siyang
naroon sa kaniyang ina si Cupid. Sinimulan na niya ang paglalakbay.
Nang
dumating si Psyche sa palasyo ni Venus, humalakhak nang malakas ang diyosa.
Pakutya niyang tinanong si Psyche, “Nagpunta ka ba rito upang maghanap ng
mapapangasawa? Tiyak kong ang dati mong asawa ay wala nang pakialam sa iyo, sapagkat
muntik na siyang mamatay dahil sa natamong sugat mula sa kumukulong langis na
dulot mo. Isa kang kasumpa-sumpang nilalang. Kailanman ay hindi ka magkakaroon
ng asawa kung hindi ka daraan sa butas ng karayom.” Sinabi ng diyosa na
tutulungan niya si Psyche sa pagsasanay. Ibinuhos niya sa harap ni Psyche ang isang
malaking lalagyan na puno ng iba’t ibang uri ng maliliit na butong
pinaghalo-halo niya. Inutusan niya si Pysche na bago dumilim dapat ay
napagsama-sama na niya ang magkakauring buto. Agad lumisan ang diyosa.
Tinitigan
lamang ni Psyche ang malaking tumpok ng mga buto. Napaka-imposible ng
ipinagagawa sa kaniya ng diyosa. Nasa ganitong pagmumuni si Psyche nang
pagmasdan siya ng mga langgam. Kung ang mga mortal at imortal ay hindi naaawa
sa kaniya, hindi ang maliliit na nilalang. Nagtawag ang mga langgam ng kanilang
mga kasama at sinimulan ang pagbubukod-bukod ng mga buto. Agad natapos ang
gawain. Pagdating ni Venus, hindi siya nasiyahan sa kaniyang nakita. Sinabi
niyang hindi pa tapos ang mga pagsubok ni Psyche. Binigyan niya si Psyche ng matigas
na tinapay. Sinabi rin ng diyosa na sa sahig siya matutulog. Inisip ng diyosa na
kung pahihirapan at gugutumin niya si Psyche mauubos rin ang nakaiinis nitong ganda.
Samantala, tiniyak ni Venus na hindi
makalalabas si Cupid sa kaniyang silid habang pinahihilom nito ang kaniyang
sugat. Nasisiyahan si Venus sa magandang takbo ng mga pangyayari.
Kinaumagahan,
isang mapanganib na pagsubok ang ipinagawa ni Venus kay Psyche. Pinakukuha niya
si Psyche ng gintong balahibo ng mga tupa sa tabi ng ilog. Ang mga tupa ay
mababangis at mapanganib. Nang marating ni Psyche ang ilog, natutukso siyang
tumalon at magpalunod na lamang upang matapos na ang kaniyang paghihirap.
Nakarinig siya ng tinig mula sa halamang nasa tabi ng ilog. “Huwag kang magpapakamatay.
Hindi naman ganoon kahirap ang ipinagagawa sa iyo. Kailangan mo lang maghintay ng tamang
panahon upang makakuha ng gintong balahibo ng tupa. Pagsapit ng hapon ang lahat
ng tupa mula sa malalabay na halamanan ay magtutungo dito sa ilog upang
magpahinga. Magtungo ka sa halamanan at doon ka kumuha ng mga gintong
balahibong nasabit sa mga sanga.” Sinunod ni Psyche ang payo ng halamang nasa
tabi ng ilog. Umuwi siya sa kaharian ni Venus na dala ang mga gintong balahibo
ng tupa.
“May
tumulong sa iyo!” sumbat ni Venus kay Psyche. “Hindi mo ginagawa nang mag-isa
ang mga pinagagawa ko sa iyo. Hindi bale, bibigyan kita ng pagkakataong patunayan
na sadyang mapagkunwari kang may mabuting puso at magaling.” Itinuro ni Venus
sa malayo ang itim na tubig ng talon. Binigyan niya si Psyche ng praskoat
pupunuin ito ng itim na tubig. Nagtungo si Psyche sa ilog ng Styx. Nakita
niyang malalim ang bangin at mabato. Tanging may pakpak lamang ang maaaring
makaigib ng tubig. Sa lahat ng kaniyang pagsubok, ito na ang pinakamapanganib.
Tulad ng inaasahan may tumulong kay Psyche. Isang agila ang dumagit sa praskong
tangan ni Psyche at lumipad malapit sa talon. Pagbalik ng agila, puno na ng
itim na tubig ang prasko.
Hindi pa
rin sumusuko si Venus sa pagpapahirap kay Psyche. Ayaw niyang magmukhang tanga
sa harap ng madla. Ipinagpatuloy niya ang pagpapahirap sa kawawang mortal. Binigyan niya si Psyche ng isang
kahon na paglalagyan niya ng kagandahang kukunin ni Psyche mula kay Proserpine,
ang reyna sa ilalim ng lupa. Inutos ni Venus na sabihin ni Psyche na kailangan
niya ito sapagkat napagod siya sa pag-aalaga ng kaniyang anak na maysakit.
Katulad ng mga nauna agad tumalima si Psyche. Dala ang kahon, tinalunton niya
ang daan papunta sa kaharian ni Hades.
Tinulungan
siya ng isang tore na nagbigay sa kaniya ng detalyadong hakbang patungo sa
kaharian sa ilalim ng lupa. Una, kailangan niyang pumasok sa isang butas na lagusan
patungo sa ilalim ng lupa sa tabi ng ilog ng kamatayan. Kailangan niyang sumakay
sa isang bangkang ang bangkero ay si Charon. Kailangan niyang bayaran ng pera
si Charon upang siya ay makatawid. Makikita na niya ang lansangan patungo sa palasyo.
Sa pintuan ng palasyo may nagbabantay na isang asong tatlong ulo. Kapag binigyan
ng cake ang aso ito ay magiging maamo at papayag nang magpapasok sa palasyo.
Nagawa lahat ni Psyche ang
ipinaliwanag ng tore. Pinaunlakan din ni Proserpine ang kahilingan ni Venus.
Agad nakabalik si Psyche nang mas mabilis pa kaysa kaniyang pagbaba. Gayunman,
nasubok muli ang karupukan ni Psyche. Sa paghahangad niya ng karagdagang
kagandahan upang umibig muli si Cupid sa kaniya, natukso siyang kumuha ng
kaunting ganda sa loob ng kahon. Nang buksan niya ito, tila walang laman
subalit nakadama siya ng matinding panghihina at agad nakatulog.
Sa mga
panahong ito ay magaling na si Cupid. Sabik na siyang makita ang kaniyang asawa
subalit ibinilanggo siya ng kaniyang ina. Mahirap bihagin ang pagmamahal. Kaya
humanap si Cupid ng paraan upang makatakas. Nakita niya ang bukas na bintana at
doon siya nakatakas. Nahanap niya agad si Psyche malapit sa palasyo. Agad
niyang pinawi ang pagtulog ng asawa at agad sinilid ang gayuma sa kahon.
Bahagya niyang tinusok ng kaniyang busog si Psyche upang magising. Pinagalitan
niyang muli ang kaniyang asawa dahil sa pagiging mausisa nito na humantong muli sa kaniyang kapahamakan. Sinabi niyang magtungo si Psyche
sa kaniyang ina at ibigay ang kahon. Dito na magtatapos ang pagpapahirap ng
kaniyang ina.
Masayang
nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay lumipad patungo sa
kaharian ni Jupiter, ang diyos ng mga diyos at tao. Hiniling niya na tiyaking
hindi na sila gagambalain ng kaniyang ina. Pumayag si Jupiter.
Nagpatawag
si Jupiter ng pagpupulong ng mga diyos at diyosa kasama na si Venus. Ipinahayag
niya sa lahat na si Cupid at Psyche ay
pormal nang ikinasal at wala nang dapat gumambala sa kanila maging si Venus.
Dinala ni Mercury si Psyche sa kaharian ng mga diyos. Dito iniabot ni Jupiter
kay Psyche ang ambrosia , ang pagkain ng mga diyos upang maging imortal. Naging
panatag na rin si Venus na maging manugang si Psyche sapagkat isa na itong
diyosa. At kung maninirahan na ang manugang sa kaharian ng mga diyos, hindi na
muling makagagambala si Psyche sa pagsamba ng tao kay Venus.
Ang
pag-ibig (Cupid), at kaluluwa (Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na
pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.
wow
TumugonBurahinthe story was greatly done :)
Ang ganda hanep
Burahinang ganda po ng istorya na ito..!!
TumugonBurahinsobra ko po itong naguztuhan..!!
ang kwentong ito ay tungkol sa isang tao at isang dyos na nag iibigan..!! ang GaLinG po..!!
wow! nakapulot ako magandang aral sa kwento
TumugonBurahinHAHAHHA di wow
BurahinSino po so mercury at Pluto? Kelangan lng PO sa module
Burahinsi Pluto ay ang Roman equivalent ni Hades(ang Dios ng kamatayon at ang hari ng underworld at mga kayamanan)
Burahinsi MErcury ang Roman counterpart sa Greek God na si Hermes(God of messages)
lt HAHHAHAHA
Burahinshuta kayo HAHAHA btw sino puwede maging Cupid ko d'yan---charought
Burahin1. Bakit itinago ni Cupid ang tunay niyang anyo kay Psyche?
Burahin2. Bilang isang diyosa, ano ang hindi magandang katangian ni Venus? Iugnay ito
sa mga pangyayari sa tunay na buhay.
3. Isalaysay kung paano napagtagumpayan ni Psyche ang apat na pagsubok na
ibinigay ni Venus. Ihambing ito sa mga pangyayari sa tunay na buhay.
4. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang apat na pagsubok alang-alang
sa pag-ibig? Bakit?
PASAGOT NAMAN MGA IDOL
TANGINA MO MAG ARAL KA GAGO PURO KA TANONG
BurahinHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH GAGO
BurahinSometimes you need to sacrifice something that matters to you.. His mythology is amazing. Well-read!
TumugonBurahinSometimes you need to sacrifice something that matters to you.. His mythology is amazing. Well-read!
TumugonBurahinWoow..
TumugonBurahinI am so touched with it..
You need to sacrifice just for the power of the greatest love...
Woow..
TumugonBurahinI am so touched with it..
You need to sacrifice just for the power of the greatest love...
Hindi ko akalaing maganda pala yung story nila. Medyo tragic pero sa huli they end up with each other naman.
TumugonBurahin"Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang tiwala"
TumugonBurahinKanino po yan mensahe ?
BurahinPara kay Psyche
BurahinGaling kay Cupid ang mensahe
Burahinang ganda ng kwento .. habang nag-babasa ako iniimagine ko yung mga pangyayari . . hehhehhehheh . . ang ganda po talaga.
TumugonBurahinAll the relationships will not work if they don't have trust.
TumugonBurahinAll the relationships will not work if they don't have trust.
TumugonBurahinGanda ng istorya. Must read
TumugonBurahinGanda ng istorya. Must read
TumugonBurahinAng ganda ng kwento..
TumugonBurahinisa sa mga kahanga-hangang mitolohiya na dapat basahin ng mga mag-aaral sapagkat kapupulutan ito ng magagandang aral at halimbawa sa pagharap sa hamon ng buhay.
TumugonBurahinBatay sa nauunawaan mong mensahe mula sa mitolohiyang cupid at psyche paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili?
Burahinang ganda ng kwento ito na ata yung magandang mythology na nabasa ko^^
TumugonBurahinSaang bahagi ng kwento nagsacrifce si Cupid? At paano s'ya naging matapang? Need an answer ASAP. Thanks :)
TumugonBurahinHats off to this story. ❤��
TumugonBurahinMga mensaheng na kapaloob sa akda
TumugonBurahinHay..ang haba naman ng babasahin ko....hayst
TumugonBurahinworth reading
TumugonBurahinThank you for this article :)
TumugonBurahinCupid At Psyche
Natatae ako
TumugonBurahin😂
BurahinBeautiful story...kahit na maraming hadlang para magkabalikan ulit sila tinuloy nya padin kahit na ikapapahamak ng sarili niya ... this is what you called "true love"
TumugonBurahinBeautiful story...kahit na maraming hadlang para magkabalikan ulit sila tinuloy nya padin kahit na ikapapahamak ng sarili niya ... this is what you called "true love"
TumugonBurahinNapakagandang kwento naantig puso ko kase nanaig parin ang pagmamahalan ng dalawa
TumugonBurahinAng ganda ng istorya na to
TumugonBurahin.... The best pang wattpad
lalaki aq bat aq interested sa wattpadðŸ˜ðŸ˜
BurahinThe story would actually be better if the grammar was tweaked a bit. You don't say "also" three times in a row, and in three sentences no less.
TumugonBurahinWow! Inspiring!! Genuine love..ever!!!
TumugonBurahinwow,nakatulog toh sakin and of course i can pass our teacher
TumugonBurahinto this
ang ganda nung story
TumugonBurahinWow nice story
TumugonBurahinUmulaw ni edel
TumugonBurahinShane nabasa mon 😂😂😂😂
TumugonBurahinMukang pasado ako ngayon dito sa pilipino 10. Dahil dito😂
TumugonBurahinI'm so tired to read but I'm related from the story😅🤣ngek
TumugonBurahinGuys need ko gf whahhaha
TumugonBurahinGuys beed ko gf jel corpuz here
TumugonBurahinyes
TumugonBurahindone
Wtf
TumugonBurahinang ganda😊
TumugonBurahinThis is....great.
TumugonBurahin.....
TumugonBurahinSino ang may-akda ng kwentong ito? Please reply po kung sino man ang nakakaalam
TumugonBurahinWala. Greek mythology yan malamang hindi known kung sino nagsulat
TumugonBurahinIt's is very amazing love can conquer difficulties
TumugonBurahinDahil sa story na ginawa ni ate @alyloony na ang title ay 'she who stole cupids arrow' sa wattpad making interesado all as Greek mythology last ng inahayag ni ate at may tugma sa story na toh and I can only say CUPID AND PSYCHE'S STORY IS REALLY BEAUTIFUL
TumugonBurahino yassssssss naman ! story rin ni ate Aly ang naalala ko nung binasa ko to
BurahinAng ganda ng kuwento... Maraming aral ang makukuha dito na puwede nating mapagkunan ng batayan sa araw araw na pamumuhay natin.
TumugonBurahinMaraming salamat po sa kopya ng story nato, malaking tulong sa pagtuturo.. God bless po..
TumugonBurahinNapakagandang kwento
TumugonBurahinWow nice story
TumugonBurahinnagagandahan po ako sa story hehe.
hi
TumugonBurahinapek student pawer
TumugonBurahinNagandahan po ako sa kwento kaso nalilito ako kung bakit naging asawa ni cupid si psyche eh anak naman ni venus si cupid at kapatid nya si psyche
TumugonBurahinnooong unang panahon kasi, di pa natin un panahon kaya wag mo na sila isipin mahalaga masaya kang nabubuhay ngayon.
BurahinGuys pa tulong sansasagutan
TumugonBurahinwews taas ng kwenta sa module 1
TumugonBurahinVenus
TumugonBurahinMura manig ml kay naay torret
TumugonBurahin😆
BurahinNaalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinang cute mas maganda sana na may animated movie to kaso wala
TumugonBurahinOo nga sayang
BurahinAng ganda
TumugonBurahinHhahhaha wala akong naintidihan
TumugonBurahinganda🥰
TumugonBurahinThank u po
TumugonBurahinThis story is great! Cupid and Psyche's love story is one of my favorites in Greek Mythology.
TumugonBurahinSanaol road to forever
TumugonBurahinSaang bansa po ito nagmula?
TumugonBurahinito ay nagbigay aral at na itanim sa aking isipan
TumugonBurahinsino sina cupid at psyche? ipakilala sa tulong ng pahayag.
TumugonBurahinpakisagot po para lng po sa module thankyou po godbless all
anong kaugnayan nila sa isa't isa? ilarawan mo sila bilang mag asawa?
TumugonBurahinang ganda po ng istorya na ito..!!
TumugonBurahinsobra ko po itong naguztuhan..!!
ang kwentong ito ay tungkol sa isang tao at isang dyos na nag iibigan..!! ang GaLinG po
Ano ang koneksyon ng akda sa Pamayanan na ating ikinahaharap ngayon
TumugonBurahinShout-out nga pala sa mga Grade 10 Humility dyan sa CI, pag nabasa mo 'to aylabyo mwamwa! Happy reading mwaps
TumugonBurahin