Biyernes, Hulyo 3, 2015

MALIGAYANG PASKO

Maligayang Pasko
ni Eros S. Atalia

Pinatay niya na ang sauce. Luto  na rin ang noodles ng spaghetti. Sinilip niya ang oven.  Paluto na ang lechon de leche. Nagniningning sa mantika ang hamon, hotdog at bacon. Nasa gitna na ng mesa ang mansanas, ubas, kahel at peras. Hiwa na rin ang keso de bola. Timplado na rin ang juice.  Inilagay na niya sa mesa ang morcon, lechon manok, embutido, paella at pinasingaw na sugpo. Naglagay siya ng tatlong pinggan, baso, kutsara at tinidor sa mesa. Pati na rin ang napkin.

Maya-maya, bitbit na niya ang isang supot.  Sa loob nito ay may ilang nakabalot na ulam.

Lumabas na siya ng bahay. Tinahak na niya ang nagniningning na lansangan.  Habang naglalakad, sinilip niya ang laman ng supot. May apat na balot. Hindi niya maaninag kung ano-ano ang laman ng mga ito. Pero tamang-tama sa anim niyang anak at sa kanilang mag-asawa ang bitbit na pabaong Noche Buena.

Bukas, araw ng Pasko, maaga siyang babalik upang maghugas ng pinagkainan.


- Mula sa Wag Lang Di Makaraos (Atalia, 2011)

22 komento:

  1. hindi siya yaya,kasambahay po siya. magkaiba po ang kahulugan ng yaya at kasambahay

    TumugonBurahin
  2. Para kanino ang hinanda nyang notche buena?

    TumugonBurahin
  3. Ano ang dalawang kahulugan ng maligayang pasko

    TumugonBurahin
  4. Pagkamakatotohanan at di makatotohanan sa dagli

    TumugonBurahin
  5. ano ang makatotohanang pangyayari at di matotohanan sa akdang ito

    TumugonBurahin