Sino ba si Dilma Rousseff?
Noong Enero 1, 2011, nanumpa
ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil matapos manalo sa eleksiyon noong
2010. Siya ay si Dilma Rousseff.
Isinilang siya noong Disyembre 14, 1947 sa Belo, Horizonte, Brazil. Ang kaniyang ama ay isang Bulgarian at ang
kaniyang ina ay isang Brazilian. Estudyante
pa lamang si Dilma ay naugnay na siya sa
isang militanteng sosyalistang grupo kung saan nakasama niya si Carlos Araujo na kinalaunan ay siya niyang
naging pangalawang asawa. Noong 1970,
dahil sa kaniyang pakikipaglaban sa diktaturyal siya ay nakulong na tumagal ng
tatlong taon. Habang nasa kulungan, nakaranas siya nang labis na pagpapahirap
tulad ng electric shocks. Nang siya ay makalaya, tinapos niya ang kaniyang
pag-aaral (1977) at pumasok sa lokal na politika bilang kasapi ng Democratic
Labor Party. Sa loob ng dalawang dekada, ginampanan ni Rousseff ang pagiging
consultant at mahusay na tagapamahala ng partido.
Nang mangampanya si Luis
“Lula” de Silva bilang pangulo noong 2002, kinuha niya si Rousseff bilang
consultant. Matapos ang eleksiyon hinirang siya bilang Minister ng Enerhiya.
Dahil sa kaniyang kahusayan sa hinawakang posisyon, siya ay kinuha ni Pangulong
“Lula” bilang Chief of Staff noong 2005 hanggang mapagdesisyunan niyang tumakbo
sa eleksiyon bilang kahalili ni “Lula” noong 2010.
Biography of Dilma
Rousseff, kinuha noong Marso 1, 2014,
- Mula sa
(http://www.infoplease.com/biography/var/dilmarousseff.html)
ano ang kanyang pinagtagumpayan please
TumugonBurahinano ang kanyang hanap buhay
TumugonBurahinSaan sya naka tira
TumugonBurahin