Martes, Agosto 11, 2015

AKASYA O KALABASA

Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
        
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman.

                Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.

                Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…

                Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralain sa Maynila.

                Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.

                Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.”

                “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
                “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”

                “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”

                “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.

                “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.

                “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”

                “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”

“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

                Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.


                At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
  - Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

66 (na) komento:

  1. Mga Tugon
    1. hindi masamang maghangad ng mas makabubti lalo na kung ito naman ay paghihirapan

      Burahin
    2. May kasabigan nga,,kung ano ang iyong itinanim ay sya monring aanihin,,pag may tyaga may linaga..Walang imposible sacedukasyun kapag ikaw ay may tyaga sa pag aaral ng mga bagay bagay naayun sa iyong pangarap

      Burahin
    3. Para sa akin mas maganda siguro na tinanong nya muna ang kanyang anak sa kanyang kukunin na kurso bago mag desisyin si mang simon

      Burahin
    4. Para sa akin mas maganda siguro na tinanong nya muna ang kanyang anak sa kanyang kukunin na kurso bago mag desisyin si mang simon

      Burahin

    5. Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.

      Burahin
    6. Lahat ng bagay at pinaghihirapan kung gusto mo makuha ang isang bagay ay kailangang matiyaga ka upang ito ay mapasaiyo

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. Mas Magandang sumugal ka sa isang bagay at magtiwala kalang sa sarili mo at hindi masasayang pagod mo.mas mabuting tyagain mo ng matagal ang pag aaral kesa madaliin lahat ng mga bagay bagay kapag itoy minamadali masasayang lang ang panahon mo

      Burahin
  3. Gusto lang iparating ng kuwento na ang pag-aaral ay dapat hindi minamadali dahil lahat ng pinaghihirapan o ginagawa ng bawat tao ay may karampatang resulta. Sinabi ng punung-guro na pede siyang magbigay ng isang maikling kurso, yun ay kung ayos lang sa magulang ni Iloy na magkaroon ng hindi gaanong magandang bunga ang pag-aaral ng bata, gaya ng pagtatanim ng kalabasa. Madaling itanim at tumubo ngunit hindi ganoon kalago, samantalang ang mahabang proseso ng pagtatanim at pagpapatubo ng akasya ay "worth it" sa paglago nito. Ganiyan ihinambing ng may-akda ang akasya at kalabasa sa pag-aaral.

    I hope this will help you... :)

    TumugonBurahin
  4. Mga Tugon
    1. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.

      Burahin
    2. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.

      Burahin
  5. Mga Tugon
    1. ang buhay ngayun ay mahirap na kaya dapaty ay magsumikap upang ang kinabukasan ay maging maganda.matutong paghiarapan ang mga bagay kung guisto mo ng magandang balik sayo.

      Burahin
    2. ang buhay ngayun ay mahirap na kaya dapaty ay magsumikap upang ang kinabukasan ay maging maganda.matutong paghiarapan ang mga bagay kung guisto mo ng magandang balik sayo.

      Burahin
  6. Ano ang aral sa kwentang Akasya o kalabasa? Dahilan ninyo po ty 😉

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Mali po to ano ang aral sa kwentong Akasya o kalabasa? Damihan ninyo po ty 😉

      Burahin
  7. ako po mga katangian ni akasya at kalabasa?

    TumugonBurahin
  8. Marami nag sasabi ang anekdotang ito ay galing persia,iran munit bat may lokasyon jan na bahagi ng pilipinas hindi ko lubos na maintindihan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano ang Damdaming nangibabaw sa akda at kahulugan nito?

      Burahin
  9. ang anekdota ay isang ka wiliwiling pangyayari ,ito ay may kapupulutan na aral base sa iyang totoong naranasan sa buhay pwedi rin itong masayang pangyayari mo sa iyong buhay

    TumugonBurahin
  10. ano ang repleksyon at reaksyon sa akdang ito??

    TumugonBurahin
  11. Kailan inilabas ang kuwentong ito ni Concolation dito sa publiko?

    TumugonBurahin
  12. Ano ang paksa ng kwento?
    Ano din ang paraan ng pagkakasulat

    TumugonBurahin
  13. Mga Tugon
    1. para maibatid sa mambabasa na walang madaling proseso upang makamit ang tagumpay na inaasam natin dahil kailangan natin itong paghirapan at dumaan sa bawat proseso na kailangan para magkaroon ng magandang resulta

      Burahin
  14. Ano o saan pwede erelate Ang acasia at kalabasa? At bakit acasia at kalabasa Ang pamagat?

    TumugonBurahin
  15. HINDI SHANN AIZZER LAVILLA ANG PANGALAN KO!

    TumugonBurahin
  16. Ibigay ang mga mahihinuhang damdamin at opinyon ng sumulat na nakapaloob dito

    TumugonBurahin
  17. Mabuti nmn yung kunnin niya ang highschool dahil po ay marami pong mag antay sa kanya na magandang kinabukasan.

    TumugonBurahin
  18. ano ang mga salitang ginamit sa kwentong ito

    TumugonBurahin
  19. Sino ang mga pangunahing tauhan said kwento?

    TumugonBurahin
  20. Saan patungo sina Mang Simon at anak niyang si lloy?

    TumugonBurahin
  21. Ano ang sinisimbolo ng akasya at kalabasa sa binasang teksto?

    TumugonBurahin
  22. Anong hamon ang iniwan sainyo ng akda?

    TumugonBurahin
  23. "dili di natubigan ni Mang simon sa huling pangungusap sa punong guro, gayundin si iloy. pagkuway ay nagbulungan ang mag ama". Batay sa nabasang pahayag, ano ang nahihinuha mong damdamin ng sumulat?

    TumugonBurahin
  24. Magbigay ng tatlong pangyayari at kaugnay na pagdedesisyon sa anekdotang akasya o kalabasa

    TumugonBurahin
  25. Magbigay Ng limang panlapi sa anekdotang kalabasa o akasya​

    TumugonBurahin
  26. Ang masasabi kolang sa binasa ko ay ang pag aaral po ay hindi po minamadali dahil kung magmamadali tayong makapagtapos ng pag aaral parang wala tayong matututunan nito dahil nga sa nagmamadali tayo sabi nga ng iba mas maganda ng maghirap kasi marami kang bagay bagay na matututunan mo dito at hindi yung minamadali mo ang isang bagay na gusto mo pero wala ka namang natututunan dito

    TumugonBurahin
  27. Ano ang sinisimbolo ng akasya at kalabasa

    TumugonBurahin
  28. Ano ang sinisimbolo ng akasya at kalabasa...

    TumugonBurahin
  29. Ano ang aral ang naus ibigay ng anekdotang ang akasya at kalabasa?

    TumugonBurahin
  30. Anong paraan ng pagsulat ang ginawa ng may-akda?! Patulong po

    TumugonBurahin
  31. kung ikaw si iloy,ano ang pipiliin mong kurso? bakit?

    TumugonBurahin