Martes, Agosto 11, 2015

MAAARING LUMIPAD ANG TAO

Maaaring  Lumipad ang Tao
Naisalaysay ni Virginia Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Sinasabing iniingatan ng mga taong  nakalilipad ang kanilang kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak.Inililihim nila ang kanilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin. Sila ay nagbalatkayong  mga tao mula  sa Africa na may maiitim na balat. Hindi na nila maaaring ipaalam sa kanila kung sino ang nakalilipad at ang hindi.

May matandang lalaki na nagngangalang Toby, mataas ang kaniyang tindig. Samantalang  ang batang babae na dating may pakpak ay si Sarah. Makikitang may batang nakatali sa kaniyang likod. Nanginginig siya kung mabigat ang mga gawain. Sa ganitong pangyayari sisigawan siya ng tagapagbantay ng lupain.

                Nagtatrabaho siya sa palayan mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Tinatawag nilang panginoon ang may-ari nito. Inihalintulad raw siya sa  kumpol  ng putik,  uling na kumikinang  sa matigas na batong nakasalansan na hindi matanggal.

                Ang nagbabantay sa kanila ay nakasakay sa likod ng kabayo at itinuturo ang mga aliping mabagal magtrabaho. Hinahampas ng latigo ang mga mabagal sa gawain upang maging mabilis ang kanilang paggawa .

                Si Sarah ay naghuhukay at   nag-aayos  ng  pilapil sa palayan, habang ang bata ay tulog sa kaniyang likod. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito mapatigil, ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak maski ayaw niya itong gawin dahil  anak niya ang bata. 

                “Patahimikin mo iyan,” sabi ng tagapagbantay sabay turo sa bata. Hinawakan niya sa balikat si Sarah hanggang sa mapaluhod ito. Hinampas niya ang bata ng latigo. Samantala, si Sarah ay bumagsak naman sa lupa.

                Ang  matandang naroroon na si Toby ang tumulong kina Sarah. “Aalis ako nang mabilis,” sabi niya pagdaka.

                Hindi makatayo nang tuwid si Sarah. Napakahina niya, nasusunog na ng araw ang kaniyang mukha.  Ang bata ay umiiyak nang umiiyak. “Kaawaan mo kami, kaawaan mo kami.” Malungkot si Sarah dahil sa nangyari, naghihimutok siya at napaupo na lamang sa pilapil.

                “Tumayo ka, ikaw, maitim na baka” hiyaw ng tagapagbantay, itinuro si Sarah at muli na namang hinampas ng latigo sa hita at ang sako niyang damit ay naging basahan. Ang dugo  sa kaniyang sugat ay humalo sa putik, di siya makatayo.

                Nandoon si Toby, ngunit  kahit isa ay walang makatulong sa kaniya.

                “Ngayon na, bago pa mahuli ang lahat.”

                “Sige anak, ngayon na ang panahon,” sagot ni Toby “Humayo ka, kung alam mo kung paano ka makaaalis.”

“Kum… yali, Kumbuba tambe,” at ang mga salita na may kapangyarihan ang kanilang mabilis na nasambit nang pabulong at pabuntunghininga. Tumaas ang isang paa ni Sarah sa hangin. Noong una ay di maayos ang kaniyang paglipad na hawak-hawak nang mahigpit ang kaniyang  anak. Naramdaman niya ang mahika, ang misteryo ng salita ng  Africa, sinabi niya na malaya na siya tulad ng isang ibon, na animo’y balahibong umiilanlang sa hangin.

                Ang bantay ay nagronda habang humihiyaw, sumisigaw. Samantalang si Sarah, at ang kaniyang anak ay  lumilipad sa bakuran, sa mga kahoy, sa mga nagtataasang puno na hindi siya nakikita maging ng tagapagbantay. Lumilipad siyang tulad ng isang agila hanggang sa unti-unti na silang makita ng mga taong  nasa ibaba. Walang sinoman ang makapagsalita tungkol dito, hindi makapaniwala, subalit nakita nila ito.

                Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata. Pinuntahan siya ni Toby at sinabi nito ang salita ng  lumang Africa na minsan lang niyang narinig kaya hindi niya agad maintindihan. Nakalimutan ng bata ang narinig niya. Nagtungo si Toby at muling naibulong sa bata, nakuha niya ang tamang salita. Nagpagulong-gulong siya sa hangin. Pansamantala siyang  nakalipad at siya ay idinuyan sa  mainit na simoy ng hangin at muli siyang nakalipad.

                Iba-iba pa ang bumagsak dahil sa init, naroon lagi si Toby. Umiiyak siya sa nakikita niyang bumabagsak at nandiyan siya upang iabot ang kaniyang kamay “kumkumka yali, kum… tambe!” Pabulong niyang sabi at muli na naman silang nakalipad at pumailanlang sa hangin.  Ang isang lumilipad ay maitim  at may makislap na tungkod habang sila ay nasa taas ng ulo ng tagapagbantay. Dumako sila sa pilapil, sa palayan, sa bakuran, at sa batis na dinadaluyan ng tubig .

                “Bihagin ang matanda,”  sabi ng tagapagbantay.

                “Narinig ko siyang sinabi ang mahiwagang salita, bihagin siya.”  Samantala may isang  tumatawag. Nakuha na ng tagapagbantay  ang kaniyang latigo upang itali si Toby. Kinuha niya ang kaniyang baril upang patayin ang negrong  si Toby.

                Natawa lang si Toby, lumingon siya at ang sabi “heeee, heee! Hindi ninyo kilala kung sino ako? Hindi rin ninyo alam kung sino pa ang ibang tulad naming nasa palayan.”  At muli niyang naibulong ang mahiwagang  salita bilang  pangako sa angkan ng mga itim, sinabi niya ito sa lahat ng mga kalahi nilang  nasa palayan sa ilalim ng malupit na latigo.

                “Buba… Yali... Buba... tambe…”

                May napakalakas na sigawan at hiyawan ang  baluktot na likod ay naunat, matatanda at batang  mga alipin ay nakalipad na magkakahawak-kamay. Nagsasalita habang nakabilog animo singsing, umaawit pero hindi sila magkakahalo hindi pala sila umaawit sila ay lumilipad sa hangin langkay-langkay na animo mga ibong tumatakip sa asul na kalangitan, maiitim na anino. Hindi na mahalaga kung sila ay nakalilipad nang napakataas. Tanaw nila ang  plantasyon, ang taniman, paalis sa lupain ng mga alipin. Lumilipad sila patungo sa kanilang kalayaan.

                Kasabay nilang lumilipad si Toby at sila ay iniingatan nito. Hindi siya umiiyak, hindi siya tumatawa, siya ay tagagabay.  Nakita niya  sa taniman ang mga katutubong alipin na naghihintay kung sila ay makalilipad na tulad nila. “Isama ninyo kami sa paglipad,” kanilang wika, pero sila’y natatakot sumigaw.

                Hindi na nila nahintay na sila ay maturuang lumipad. Naghintay ng pagkakataon na makatakbo “paalam” ang sabi ng matandang tumatawag na si Toby, “Kausapin mo sila ulilang kaluluwa!” At siya ay lumipad at naglaho.
                Sinabi ng tagapagbantay sa kanilang panginoon ang kanilang nasaksihan. “Ito ay isang kasinungalingan, gawa lamang ng liwanag.” Subalit ang tagapagbantay ay hindi nagsalita sapagkat alam niya ang totoo.

                Ang mga aliping  hindi nakalipad ay nagpatuloy sa pagkukuwento sa kanilang mga anak. Ang pangyayaring ito ay hindi nila malilimutan. Naalala nila noong sila ay malaya at nakaupo sa paligid ng kanilang lupang tinubuan.

                At sinabi nila ito sa mga bata, ang tungkol sa mga taong hindi nakalilipad hanggang ngayon.  



- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

17 komento:

  1. ano po bang ibig sabihin ng "Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa maiinit na palayan, isang batang lalaki na alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at nilatigo siya, bumagsak ang bata?"

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang pahayag po ay nagpapahiwatig na namatay ang batang nakita na nakahandusay sa palayan dahil sa nilatigo siya ng tagapagbantay hanggang sa bumagsak ito.

      Burahin
  2. Mga Tugon
    1. Do not hurt someone's feeling or hurting pysical cause we are just created by the god so in the end of the day no one can judge you or can hurt you but only god can do

      Burahin
  3. Paano ihh sagutin gamit ang story Ladder? Thank you po..

    TumugonBurahin
  4. Ano po ang kahinaan at kalakasan ni toby

    TumugonBurahin
  5. Liham pa tungkol sa pagpapayo kay sarah

    TumugonBurahin
  6. Meron po bang english version nito???

    TumugonBurahin
  7. bakit kaylangan nila ilihim na nakakalipad sila?

    TumugonBurahin
  8. Ipaliwanag ang pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawsng mitolohiya lionngo at maaring lumipad ang tao

    TumugonBurahin
  9. Ano ang reaksyon sa inilihim nilang kapangyarihan sa lupain ng mga alipin

    TumugonBurahin