Martes, Agosto 11, 2015

HELE NG INA SA KANIYANG PANGANAY

Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay
A Song of a Mother to Her Firstborn salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
Isinalin sa Filipino ni Mary Grace A. Tabora

Mangusap ka, aking sanggol na sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni Lupeyo.

Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.

Munting mandirigma, paano ka namin pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di  marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
Maging  sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?

Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki  kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso, ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa iyo’y humulma.

Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y  kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,

Ako’y wala nang mahihiling.

160 komento:

  1. ano ang pangarap niya?

    pasagot po pls... :) kailangan ko lng po talaga.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang pangarap nya sa anak nya ay maging matatag na sanngol at may lakas ng loob na harapin ang pagsubok ng buhay at magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

      Burahin
    2. ang pangarap nya sa anak nya ay maging matatag na sanngol at may lakas ng loob na harapin ang pagsubok ng buhay at magkaroon ito ng magandang kinabukasan.

      Burahin
    3. pangarap na maging isang mandirigma ang kanyang sanggol .

      Burahin
    4. Ito po ba'y isang tulang malaya? Malinaw po bang naisalaysay ang kulturang pinagmulan ng bansa?

      Burahin
    5. Simbolismong sumasalamin sa ina at sa kaniyang anak

      Burahin
  2. masining ba ang tulang tinalakay? patunayan.

    TumugonBurahin
  3. masining ang tulang tinalakay na hele ng inay sa panganay dahil ito ay sumasalamin sa totoong buhay ng isang ina o tao.

    TumugonBurahin
  4. masining ang tulang tinalakay na hele ng inay sa panganay dahil ito ay sumasalamin sa totoong buhay ng isang ina o tao.

    TumugonBurahin
  5. ano-anong bagay ang inihambing sa sanggol? paki sagot po :)
    at bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sasagotin ko ha.
      Obob ka. Mag aral ka tanga

      Burahin
    2. xDDDDDDDDDDDDDDDD gradute na yan

      Burahin
    3. Sa tukang hele Ng Ina Sa kanyang panganay Sa ano anong bagay inihambing ang kanyang sanggol? Bakit Ito ang ang ginamit Sa katangiang taglay nya

      Burahin
    4. sa maliit na toro, sa kanyang ama nasi nawal, Zeus, Aphrodite, leopardo at tsaka supling na leon

      Burahin
  6. Ano po ung mga simbolismong maarig maiugnay sa tula??
    pakisagot po please kelan lang po talaga isa lang po kasi nakikita ko ei ung puno

    TumugonBurahin
  7. Sino ang kinakausap ng persona sa tula?

    TumugonBurahin
  8. Ano ang katangian ng ina sa tula?

    TumugonBurahin
  9. Sino o ano po ba ang salitang Lupeyo? Ito ay nasa unang talata ,ikatlong pangungusap

    TumugonBurahin
  10. malinaw ho bang naisasalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito ? paki sagot lang po please .. kailangan ho talaga

    TumugonBurahin
  11. malinaw ho bang naisasalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito ? paki sagot lang po please .. kailangan ho talaga

    TumugonBurahin
  12. Interpretasyon ng mga saknong sa panahon . Pakisagot pp please . Base dyan sa kwento na yan . Need ko lng po sa portfolio

    TumugonBurahin
  13. Interpretasyon ng mga saknong sa panahon . Pakisagot pp please . Base dyan sa kwento na yan . Need ko lng po sa portfolio

    TumugonBurahin
  14. ano po ung buod nitong kwentong iton

    TumugonBurahin
  15. ano ang mga simbolismo na ginamit ? at ang mga ibigsahin nito ?

    TumugonBurahin
  16. Anong uri ng tula ang Hele ng Ina sa kaniyang anak???

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Pasagot naman po oh.. Kailangan lang.. Para sa Report.. Maraming maraming maraming salamat sa mga sasagot..

      Burahin
  17. Anong uri ng tula ang Hele ng Ina sa kaniyang anak???

    TumugonBurahin
  18. Base po sa tula may itatanong lang po ako ano po ba ang mga kahulugan nang mga sumusunod:

    Lupeyo
    Munsik
    Panulag
    Guerrero
    Buskala
    Kapusugan
    Panagimpan
    Yumuyungyong
    Ibubuyangyang
    Kapilas
    Suwi
    Nyongeza
    Nyumba

    Pakisagot na lang po ASAP.. kailangan ko po kasi ty po!

    TumugonBurahin
  19. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  20. ano po ba ang mga kahulugan nang mga sumusunod:

    Lupeyo
    Munsik
    Panulag
    Guerrero
    Buskala
    Kapusugan
    Panagimpan
    Yumuyungyong
    Ibubuyangyang
    Kapilas
    Suwi
    Nyongeza
    Nyumba

    TumugonBurahin
  21. Mga Tugon
    1. Isang heleng may dalang mensahe tungkol sa kanyang panganay na anak.
      Sinasabi sa tula na ang ina ay nangangarap na maging isang matapang na mandirigma ang kanyang anak at maging pinuno ito sa kalalakihan.

      Burahin
  22. MakaTuwiran bang iugnay ang pagkakakilanlan at katangian ng isang anak sa kaniya amah?

    TumugonBurahin
  23. Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
    Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
    Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
    Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
    Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
    At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
    Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
    Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
    At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
    Maging sa iyong halakhak.
    Paano ka pangangalanan, aking inakay?
    Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?



    ano po bang simbolismo ang nandito pls sagot po salamat.

    TumugonBurahin
  24. Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na “anak ng kamalasan?”
    Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
    Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
    Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
    Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
    At ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
    Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
    Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang inalay.
    At ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata,
    Maging sa iyong halakhak.
    Paano ka pangangalanan, aking inakay?
    Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?



    ano po bang simbolismo ang nandito pls sagot po salamat.

    TumugonBurahin
  25. Ano po ang ibig sabihin nito?

    "Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa kalupaan.
    At ako ang ina ng kaniyang panganay.
    Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
    Ika’y mahimbing, akoy walang mahihiling".

    TumugonBurahin
  26. ano agng personality ng ina at ng sanggol? please paki sagot agad

    TumugonBurahin
  27. ano po ang genre ng hele ng ina sa kaniyang anak paki sagot po please

    TumugonBurahin
  28. Ano ang ibig sabihin ng matalinhagang salita
    mata ng bisirong toro?

    TumugonBurahin
  29. Ano ano po ba ang mga kaisipan sa tulang ito?

    TumugonBurahin
  30. Suriin at itala ang mga matatalinghagang pananalita o simbolismo mula sa tula!!


    Plsss answer i need this now๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅ

    TumugonBurahin
  31. Suriin at itala ang mga matatalinghagang pananalita o simbolismo mula sa tula!!


    Plsss answer i need this now๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅ

    TumugonBurahin
  32. Ito ba ay tulang malaya or tulang tradisyonal? Malinaw ba naisalaysay ang kultura ng bansang pinagmulan nito? Ano po ang mga patunay?

    TumugonBurahin
  33. Paano ipinadama sa tula ang pagmamahal ng isang ina?

    TumugonBurahin
  34. ano po ang mga pangkaisipan,pangkaasalan at pandamdamin?

    TumugonBurahin
  35. Bakit ninanais ng ina na maging mandirigma ang kanyang panganay na anak?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Upang makayanan ang mga pagsubok sa buhay at upang makatulong

      Burahin
  36. sino sino mga tauhan at ano ang mga katangian nila
    plss answer for my project plss

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sanggol- malusog at nakikitaan ng katapangan.
      Ina- mapagmahal at matatag, may mataas na pangarap para sa kinabukasan ng kanyang anak

      Burahin
  37. sino sino mga tauhan at ano ang mga katangian nila
    plss answer for my project plss

    TumugonBurahin
  38. paano inilarawan ng ina ang sanggol??

    TumugonBurahin
  39. alin sa mga kaugalian na ito ang naiiba sa kkaugalian ng mga pilipino ? baki?


    TumugonBurahin
  40. Ano pong kultura ng ibang bansa ang masasalamin sa akda specifically po sa panganay na anak? Salamat po.

    TumugonBurahin
  41. magbigay ng matalinghagang pahayag.
    please for our project

    TumugonBurahin
  42. Maaari nyo bang sabihin kung ano ang ibig sabihin ng hele ng ina sa kanyang panganay bawat saknong. .

    TumugonBurahin
  43. ano ang mga element ng tulang ito?

    TumugonBurahin
  44. mga patunay po ng tulang malaya o tulang tradisyonal

    TumugonBurahin
  45. Ano po bh ang talinghaga sa bawat saknong

    TumugonBurahin
  46. ika'y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.
    at ang pambihirang pangungunot ng iyong kilay
    ay hindi ba palatandaan na ika'y maingat nilang pinanday?
    yaman ni zeus at aphrodite sa iyo'y kanilang inalay.
    at ang katalinuhang nangungusap sa iyong mga mata. maging sa iyong halakhak. paano ka pangangalanan. aking inakay? ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang

    ano ang kahulugan nito.
    help plss reporting namen bukas

    TumugonBurahin
  47. sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay nya? brainly.

    TumugonBurahin
  48. sa ano-anong bagay inihambing ang sanggol? bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

    TumugonBurahin
  49. Ano ang ibig sabihin ng "magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak. Kamay na magpapasaya sa iyong ama" maraming samalat sa sasagot

    TumugonBurahin
  50. Ano po ang ibig sabihin ng linya na ito?
    "Paano ka pangangalanan, aking inakay?
    Ikaw ba'y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang? Asap po salamat

    TumugonBurahin
  51. ano po ang talinghaga ng tulang ito?

    TumugonBurahin
  52. Ano po ba ang konklusyon ng tulang Ito?

    TumugonBurahin
  53. Baki po kaya isinulat ang akdang ito ?

    TumugonBurahin
  54. Ano po ang

    Tema
    Anyo
    Uri
    Sukat
    Tugmaan
    Saknong
    Kariktan?

    Paki sagot po please kase nahihirapan ako sa lesson namin po

    TumugonBurahin
  55. bakit po isinulat Ang tulang Ito?? Pasagot po plsss kailangan lang sa reporting.

    TumugonBurahin
  56. ano tula ang maaaring ihambing sa tula nayan?

    TumugonBurahin
  57. Ano po Yung mag vinyl kaparisnng along Pag bubunyl

    TumugonBurahin
  58. Simbolong ginamit at ibigay ang kahulugan

    TumugonBurahin
  59. Simbolong ginamit at ibigay ang kahulugan

    TumugonBurahin
  60. Ano ang mga tanong ng ina para sa kaniyang sanggol?

    TumugonBurahin
  61. ano ibigsabihin ng;
    Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng kagandahan.
    Ika’y biniyayaan ng mga matang naglalagablab.

    TumugonBurahin
  62. ano ang ibigsabihin ng:
    Ay hindi ba palatandaan na ika’y maingat nilang pinanday?
    Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang
    inalay.

    TumugonBurahin
  63. ano ang ibigsabihin ng;
    Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at tumatanaw.
    Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.

    TumugonBurahin
  64. ano ang ibigsabihin ng;
    Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
    Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng dangal.

    TumugonBurahin
  65. ako to si jaypee add nyo nalang sa fb: Jaypee Picardal at sa tiktoker naman support me on my acc: Its_Picards

    TumugonBurahin
  66. ano ang mga simbolismo na makikita sa tula at ipaliwanag ito?

    TumugonBurahin
  67. Ano ano po tugma Ng Tula pasagot nmn po

    TumugonBurahin
  68. Ano ang simbolismo ng ina at anak?

    TumugonBurahin
  69. Ano ang kahulugan Ng bawat saknong nito? Pasagot po please

    TumugonBurahin
  70. Ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng isang nanaya sa kanyang anak nagsisimbolo ito ng pagsusumikap ng nanay na makaahon sa kahirapan ang kanyang anak dahil ang isang ina ay mapagmahal at higit sa lahat ayaw mapahamak ang kanilang anak kaya makikita naten sa lubos ang pagsasakripisyo ng nanay sa kanilang anak

    TumugonBurahin
  71. Ako po si Raid : Shadow Legends, yun lang ehe

    TumugonBurahin
  72. Tigil na sa aral ...tara sa trabaho nyawwweee

    TumugonBurahin
  73. . Sa maikling paliwanag, ano ang nais ng ina na gawin ng kaniyang
    anak sakaling dumating ang panahong mamatay na ang kaniyang
    Ama? Pasagot po agad please

    TumugonBurahin
  74. Paano iniayos ang binasang tula?

    TumugonBurahin
  75. Ano anong elemento ng tula ang maiuugnay sa nilalaman ng tula?
    Pasagot po pls

    TumugonBurahin
  76. Pota kayo toxic nyo shit

    TumugonBurahin
  77. Ano po Ang kadakilaangang ipinakita ng Ina sa kanyang anak

    TumugonBurahin
  78. Paano Ang mga inilarawan? Isa isahin

    TumugonBurahin
  79. Bakit dito niyo inaasa sagot sa assignment n'yo?

    TumugonBurahin
  80. Sa ano-anong bagay inihalintulad ang sanggol? Bakit ito ang mga ginamit sa paglalarawan sa katangiang taglay niya?

    TumugonBurahin
  81. Ano Ang nais ng Ina na gawin ng kaniyang anak sakaling dumating Ang panahong mamatay na Ang kaniyang ama?

    TumugonBurahin
  82. Paano nakatutulong Ang maikling kuwento sa pagkakaroon ng kamalayan sa pangdaigdigang pangyayari?



    Pa dagot please ๐Ÿฅบ๐Ÿฅบ

    TumugonBurahin
  83. Magiging kamay ito Ng mandarigma asking anak kamay na mag papasaya sa iyong anal



    Mangusap ka aking musmos na supling Ang iyong kamay na humahaplos sa akin napuno Ng tibay at tatag bagamay yari'y munsik ito ay nangangahulugang?




    Mangusap ka aking sanggol na sisnisinta mangusap ka sa iyong namimilog at nag niningning na mga mata wangis na mata na bisorong toro ni lupenyo



    Ano Ang matalinghaggang pahayag/simbolismong ginamit sa tanakahayan?

    TumugonBurahin