Martes, Agosto 11, 2015

PAGLISAN (BUOD)

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma, nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi kalakihang tribo sa Nigeria. 

Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino.  Sa  maraming pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na  ito ni Unoka ay laban kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama. Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider ng kanilang tribo.

Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha bilang tanda ng  pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo bilang pangalawang magulang. 

Isang araw, lihim na ipinaalam  ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa matatandang taga-Umuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna. Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo. “Hindi ka dapat makialam  sa isasagawang iyon ng  kalalakihan ng Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.  PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina. Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos.  Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may pagkakamali  kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si Obierika. Humingi siya ng payo rito  at nakaramdam naman siya ng kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na ipinanlunas ng kaniyang ama.

Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si  Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam  ng konsensiya  si Okonkwo sapagkat nang huling makausap niya ito  ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng  malakas na putok ng baril ang maririnig  sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.  Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri. Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ari-arian at mahahalagang kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan  ng kaniyang ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop, kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran. Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula. 

                Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo. Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw  ng mga puti ang Abame, isa ding pamayanan ng mga Umuofia. 

                Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta.  Sa tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-tanggap sa  simbahan. Lalong  hindi  maunawaan ng mga taga-Mbanta kung paanong  ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G. Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu, katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev. Smith.

                Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na panununog sa kanilang  simbahan. Dahil dito humiling siya ng pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng Umuofia.

                Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong at napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya. Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa isang giyera.

Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit  natagpuan na lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo.  Ibinaba nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang nangyaring ito  sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon, dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.



- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

71 komento:

  1. GAGI DI'KO MA PRONOUNCE NG MAAYOS UNG MGA PANGALAN NILA 😭

    TumugonBurahin
  2. NAGBASA AKO NG MATAGAL TAPOS WALA RIN AKONG NAINTINDIHAN GE :))))

    TumugonBurahin
  3. WALA TONG KINALAMAN SA BUHAY NATIN PERO BAT KAILANGAN PAG ARALAN:))

    TumugonBurahin
  4. Hi kung mahilig kayo sa mga banda tulad ng IV OF SPADES... magrerelease kami soon ng kanta sa Spotify. We're Quatrosphere, a band from Cebu, and you can follow us sa aming social media accounts..! Salamat!Abangan nyo kami <3 <3 <3

    TumugonBurahin
  5. hindi ninyo naman po kailangan na magmura kayo sa mga komento ninyo isipin niyo para rin yan sa kinabukasan ninyo po

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yeah i tried my best to understand the story but some of it d ko n alam (╥﹏╥)

      Burahin
  6. Ang rason kung bakit nagpakamatay si Okonkwo ay dahil napagtanto niya at nakita niyang hindi pa handang lumaban ang kaniyang angkan. Nang inimbitahan ng isang mensahero ang mga pinuno ng Umofia sila ay pinosahan at kinulong, dahilan para magalit ang mga pinuno ng Umofia. Nang napalaya na sila akala ni Okonkwo ay lalaban ang kaniyang akan at dali daling pinatay ang mga mensahero. Subalit hindi pinigilan ng mga tauhan ni Okonwo na makatakas ang iba pang mensahero kaya dito siya nawalan ng tiwala sa kaniyang mga tauhan at dito natagpuan na si Okonkwo ay nagpakamatay

    TumugonBurahin
  7. SHOUT OUT NGA PALA SA MGA KA STE KO NA NAG RURUSH NG PT Hi guys Tara kain tayo ulam sardinas Tara kainna tayo ulam ko nga lamang ay sardinas Tara kain na tayo sardinas

    TumugonBurahin
  8. SHOUT OUT SA 10-EXCELLENCE RMHS SI MATTHEW TO HAHAHAHA

    TumugonBurahin
  9. Sana yung tradisyon nalang natin yung pinag-aaralan hayst

    TumugonBurahin
  10. shout out sa mga grade 10 ng TCNHS

    TumugonBurahin
  11. San ba diyan ang sonod² na pang yayare:'(

    TumugonBurahin
  12. Shak awt sa mga gipangbijaan HWHAHHAHAHAHAHHA

    TumugonBurahin
  13. jati jud ning reading is essential tapos ma kalimtan tara GHAHAHAHAHAH

    TumugonBurahin
  14. reading is essential daw nya murag essay na atong gi basa HAHAHAH

    TumugonBurahin
  15. ARAT SA RPW O DI KAYA RPC, PONYAWANG MODULES HADLANG SA PAGS'SELPON EH

    TumugonBurahin
  16. AAAA YEY ETO.MISMO YUNG GINAMIT NA BUOD NG NARRATOR SA YTTT. MARAMING SALAMAAAAT

    TumugonBurahin
  17. Shout sa mga Lcisians jan HAHA HELLO LIS

    TumugonBurahin
  18. Ito pa lang yung nasisimulan ko sa modules ko pero yawa! Wala akong naintindihan

    TumugonBurahin
  19. Shout out sa 10 STE sa TNHS. Module pa more

    TumugonBurahin
  20. Hindi maituturing na mandirigma si Okonkwo dahil sa may tinatago siyang takot na naghulog sa kanya sa masamang kapalaran.

    TumugonBurahin
  21. Gusto ko nalang maging hotdog potanginuh

    TumugonBurahin
  22. kinang ina yan gagawan pa ng book cover boba talaga

    TumugonBurahin
  23. Ang rason kung bakit nagpakamatay si Okonkwo ay dahil napagtanto niya at nakita niyang hindi pa handang lumaban ang kaniyang angkan. Nang inimbitahan ng isang mensahero ang mga pinuno ng Umofia sila ay pinosahan at kinulong, dahilan para magalit ang mga pinuno ng Umofia. Nang napalaya na sila akala ni Okonkwo ay lalaban ang kaniyang akan at dali daling pinatay ang mga mensahero. Subalit hindi pinigilan ng mga tauhan ni Okonwo na makatakas ang iba pang mensahero kaya dito siya nawalan ng tiwala sa kaniyang mga tauhan at dito natagpuan na si Okonkwo ay nagpakamatay

    TumugonBurahin
  24. GRADE 10 ATTENDANCE PO HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

    TumugonBurahin
  25. grabe ang ikli lang ng buod ha kasing ikli ng poste

    TumugonBurahin
  26. Shutangina bat andami kahit boud lang 😭

    TumugonBurahin
  27. Ang haba niya kahit buod lang. Pero maganda siya lalo na at naintindihan ko. Nakakalungkot lang na pinatay niya yun bata na napaka inosente, tapos nagpakamatay pa siya sa huli. Thank you po dito

    TumugonBurahin
  28. Ahmm Parang Related po Siya sa K drama Ng napanood ko po and nakaka satisfy po siyang panoorin and nakakaiyak

    TumugonBurahin
  29. shout out sa 10 - makabansa, kung narito man kayo, pare-parehas tayo ng sagot sa filipino HAHAHAHHAHAHAHAH

    TumugonBurahin
  30. Shout out sa grade 10 - diamond Ng PHSIN HINDI PO KAMI GOLD PERO DIAMOND KAMI. MAHAL KAMI EH KAYO?

    TumugonBurahin