Ako ay Ikaw
ni
Hans Roemar T. Salum
“Ako’y isang
Pinoy, sa puso’t diwa. Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y hindi sanay sa
mga wikang banyaga, ako’y Pinoy na may sariling wika. Wikang Pambansa, ang
gamit kong salita…” Hay, napakaganda sa pandinig ang awiting ito ni Florante.
Damang-dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa akin.
Matagal
na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel L.
Quezon. Ang pakikipaglaban niyang ito ay daan upang ako ay umusbong, gamitin,
at tangkilikin. Ako ang simbolo ng pagkakakilanlan ng ating bansa, ang
Pilipinas. Sa totoo lang, ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon at
pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo na ang aking narating bilang isang
instrumento ng komunikasyon. Patunay nito, sa paglipas ng panahon ay
mabilis na naging moderno na ang ating bansa. Modernong kagamitan, pamumuhay,
moderno na rin pati kabataan. Talagang ang mga Pinoy ay hindi
nagpapahuli. Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging modernong ito ay ginawa
na rin akong moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa
makabagong panahon. Sa katunayan, ang wika ng kabataan ngayon ay
tinatawag na Taglish, mga jejemon wika nga. Ang salitang nanay
sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May magsasabi ring I wanna
make bili that sapatos! Hay, kailangan bang kasabay ng pagbabago ay
pagbabago sa akin? Nasaan na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan, ang totoo,
ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad at ang
pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng komunikasyon.
Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang ibig mo,
piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang ating patuloy
na pag-unlad at
ang pagbabago kung ang pagbabagong ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng
komunikasyon. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan ang
ibig mo, piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang
ating patuloy na pag-unlad.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento