Huwebes, Agosto 6, 2015

KASAYSAYAN NG EPIKO

Kasaysayan ng Epiko
Mula sa about.com
Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-Sayson

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epikong patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.

  Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC. Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Iliad and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

  Dactylic hexameter ang  estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang  mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.

  Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng Emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost.

   Napakaraming epikong naisulat noong Medieval, bagaman ito’y hindi madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Si T.S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang Divine Comedy ay dinisenyuhan ni
Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.

  Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).

  Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.

Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensya sa literaturang German.

  Ang Epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.

  Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong `grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay  makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

  Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-Ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.

Epic Literature, kinuha noong Disyembre 3, 2014
Mula sa ancienthistory.about.com/od/literat3/qt/EpicPoetry.htm


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento