Huwebes, Agosto 6, 2015

ANG AKING PAG-IBIG

Ang Aking Pag-ibig
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barret Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)

Ibig mong mabatid, ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay
Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,
Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.

Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga

Malibing ma’y lalong iibigin kita.

72 komento:

  1. anong elemento ng tula ang nilagay?

    TumugonBurahin
  2. Ano bang ibig sabihin ng tulang iyan pag ibig ba sa bayan? O pag ibig sa isang tao

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano ang mensahe ng tulang iyan?

      Burahin
    2. Sa tulang ito ipinapahayag ng persona ang kanyang wagas na pag-ibig sa kaniyang minamahal na si Robert Browning. Mas mauunawaan nyo ang nillaaman nito kung babasahin mo ang kaniyang bacjground. Ito ay nasa teoryang realismo. Kung atin din itong titingnan sa dalawang bersyon maaari din nating sabihin na ito'y wagas na pag-ibig ng isang bayaning lubos na nagmamahal sa kanyang lupang sinilangan.

      Burahin
  3. Ano bang ibig sabihin ng tulang iyan pag ibig ba sa bayan? O pag ibig sa isang tao

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. pag-ibig ni Elizabeth sa kanyang kabiyak ni si Robert Browning

      Burahin
    2. Pwede pobang ipaliwanag ang bawat saknong???

      Burahin
  4. ano po buod niyan?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ngayon kolang nakita tu haha, skl, di naman kinakailangang may buod itong tula sapagkat hindi naman ito gaanong kahaba.

      Burahin
  5. Kulturang pinagmulan ng ang , "Ang aking pagibig"?

    TumugonBurahin
  6. ANO PO ANG NARAMDAMAN NIYO MATAPOS NIYONG MABASA ANG TULA ?

    TumugonBurahin
  7. Mga Tugon
    1. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na tayutay na ginamit sa tula.

      1.INIIBIG KITA NG BUONG TAIMTIM
      SA TAYOG AT SAKLAW AY WALANG KAHAMBING

      Burahin
    2. dito ka pa talaga nag tanong ng assignment mo

      Burahin
  8. Paano nakatulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid ng may-akda sa mga mambabasa ang mensahe?

    TumugonBurahin
  9. ilang sukat mayroon ang ANG AKING PAGIBIG?

    TumugonBurahin
  10. oo nga ilang sukat po ito.🤔🤔

    TumugonBurahin
  11. Ano ang pag-ibig na tinutukoy ng makata sa tula?

    TumugonBurahin
  12. Naalis ng may-ari ang komentong ito.

    TumugonBurahin
  13. Ano Ang pag-ibig na tinutukoy Ng makata sa Tula?

    TumugonBurahin
  14. Ano po ang tugma na mayroon ang tula?

    TumugonBurahin
  15. Paano simulan at wakasan ng may akda ang tula

    TumugonBurahin
  16. Tungkol saan ang tula?

    TumugonBurahin
  17. Ano pong ginugunita dito? Karapat dapat po ba itong igunita?

    TumugonBurahin
  18. Mga Tugon
    1. Paglalahad ng pagmamahal na nananatili at punong-puno ng pasyon

      Burahin
  19. Ano ang mga simbolo sa tulang ito?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang tula ng Ang Aking Pag-ibig ay sumisimbolo sa tunay at wagas na pag-ibig ng isang tao sa kanyang minamahal. Isang pagmamahal na gagawin ang lahat upang ang pagmamahal niya ay masuklian man lang ng kanyang taong mahal.

      Burahin
  20. anong paraan ang ginamit ng awtor sa pagpapahayag ng kaniyang pagmamahal?

    TumugonBurahin
  21. Ano ang kahulugan ng matatanlihagang salitang mappulot sa tulang into?

    TumugonBurahin
  22. ano ang kariktan nito at ano ang saknong nito?

    TumugonBurahin
  23. Ano-ano ang damdaming naghahari sa tulang iyan?

    TumugonBurahin
  24. ano ang matatalinghagang salita na nakapaloob dyan?

    TumugonBurahin
  25. Saang bansa nagmula ang tulang liriko na "Ang Aking Pag-ibig."?

    TumugonBurahin
  26. PAANO ipinamalas Ng may akda Ang paging malikhain sa pagsulat Ng tula?

    TumugonBurahin
  27. Ano ang sukat ,tugma ,tono ,simbolo at talinghaga ng tulang ang aking pag ibig ?

    TumugonBurahin
  28. NASA anong persona Ang nagsasalita SA Tula?

    TumugonBurahin
  29. Anong magandang pag kaing diwa dito?

    TumugonBurahin